Kelan ba yun? Nung Friday nga ba? Ayun, nung Friday nga. Ang daming nag-aaya sakin.. syempre alam na kung saan. Kaso, si ‘x’ andun din at magkatext kami. Hindi na daw niya kaya. Lasing na naman xa dahil nagbreak na yata sila nung kumag. Hindi ako makapagdecide kung saan pupunta. Ang aga kasi ng uwian ko tuwing Friday at ayoko pang umuwi.
Inaya ko si Antonet na pumunta sa Yes. Sabi ko one-on-one na lang kami dahil ang iba naming kasama ay may mga klase pa. Paiba-iba isip ko nung time na yun dahil tinatamad talaga akong uminom. Tapos sabi ‘niya’ pumunta daw ako dun, dun nga sa Yes. Sabay daw kami umuwi dahil nga hindi na daw nya kaya. Hanggang sa naisip ko na nga na pumunta na lang dun kasama si Antonet.
Pagdating doon, nakita namin agad sila ng mga kaibigan nya. Nakayuko sya sa table, sabi nila tulog daw. Ang balak namin sana ni Antonet, kaming dalawa lang. Isang pitsel lang, kaso inaya na nila kami dun sa table nila..nakakahiya namang lumipat at magsolo. Maya-maya, nagsuka ’sya’. Pinipilit namin syang dalhin sa cr kaso ayaw nya pero maya-maya, napacr din namin sya.
Iba ang tama ng beer nung time na yun, sobrang nakakaantok. Tinanong ko tuloy yung mga kaibigan nya kung anu ba yun. Sabi nila iba daw yata. Sa isip ko, baka colt. Ang lakas ng tama kahit onti pa lang naiinom ko. Tapos ng session, pumunta kaming school, pumasok kami sa loob. Nakalimutan ko kung bakit pa kami pumasok dun. Umupo kami sa harap ng chapel. Sabi ng kaibigan nya, ihahatid nya daw kami. Sabi ‘nya’..”talaga?” Tapos makapagparaos, lumabas na kami. Nakasakay na kami sa kotse ng kaibigan nya. Sa isip ko, “wow, grabe ‘tong araw na ‘to. Kotse ni Mike, ngayon kotse ni ______.”
Hinatid nya kami sa sasakyan ng fx. Nagcr muna ako habang nakapila sila. Pagbalik ko sabi ‘nya’..”Bilisan mo nga.” Pagkapila ko dun, may babaeng lumapit samin at sinabi na sa likod daw ang pila. Sabi ‘nya’, “Nagcr lang po sya.”..haha! Kilig moments ba? Hindi naman.
Nang makasakay na kami sa fx, sa likod napaupo si Antonet habang kami ni ‘x’ ay magkatabi. Nakatulog ako sa balikat nya. Hindi ko alam kung gaano katagal yun pero pagkagising ko, nangyari ang ‘di ko talaga nakontrol. Matagal-tagal din yun at ilang minuto pa ang lumipas ay yumuko ako sa lap nya at naiyak. Mali kasi talaga yun.
Pagkauwi, tinext ko agad sya at nagsorry. Sabi naman nya ay ok lang daw yun.
Nung Saturday naman, nagYes na naman kami dahil inaya kami ni Ysann. Galing kami UST nun. Naulit na naman sa fx yung nangyari pero hindi na katulad nung Friday. Tinanong ko lang sya kung bakit nya ako iniwan. Ang dami pinagsasabi, hay nako. Natakot ako akala ko taguan blues na naman kami, buti na lang at hindi.