Okay, wala akong pasok ngayon. Wala akong magawa kundi chat, friendster, text, soundtrip at kung anu-ano pang walang kabuluhang bagay. Parang ang daming kulang. Parang ang daming hindi nagawa. Parang ang daming gustong gawin na hindi magawa.
Bastusan pala ang gusto nito, hay nako. Eto na naman sya at inaaya ako, parausan lang daw. Anu ako? Poxy? Alam ko na bituka nyo. Mga hindi mo maintindihan kung bakit ganun kasabik sa mga bagay-bagay. Sinabi na nga na tignan na lang sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Tama bang sabihing tanga lang un?
Well, I’m not the type of girl na papayag lang sa ganyan-ganyan pare. Madami pa dyan, sila na lang, wag ako. Masasayang lang oras mo. May mas mahalaga pang bagay para sakin, kesa dyan sa bagay na gusto mo na walang kwenta. Isang bagay lang, isang bagay na makakabuo sa lahat-lahat. Isang bagay, na kahit kailan hindi ko na maibabalik sa akin.